Well, I just felt that I have to post this because some might wonder who is the person behind this blog. please don't get me wrong, I'm not bragging. I just want you to know more about me...hehehe...
Top 1 sa LET: Pagbasa at dedikasyon, susi sa tagumpay |
11/17/2009 3:20:21 PM |
ILOILO CITY - Hindi inaasahan ng naging topnotcher sa Licensure Examination for Teachers (LET) na siya ang makakuha ng pinakamataas na grado sa mahigit 43,000 kumuha ng pagsusulit. Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Jaylord Losabia (89.60% rating) na ang pagbasa ng libro at dedikasyon sa pag-aaral ang kanyang naging susi sa nakamit na tagumpay. Si Losabia ang bunso sa 10 magkakapatid at nagtapos sa University of San Agustin sa lungsod ng Iloilo. Ayon kay Losabia, dahil marami silang magkapatid, nakaranas din siya ng hirap hanggang matapos ang kanyang pag-aaral. Ngunit noon pa man ay matalino na si Jaylord kung saan nagtapos itong valedictorian sa elementarya at Cum Laude sa kolehiyo. Ngunit hindi umano siya nakapag-review ng maigi at stock knowledege ang ginamit. Samantala, inamin naman ni Losabia na kung may oportunidad, gusto pa rin nitong magtrabaho sa labas ng bansa. Ngunit sa ngayon ay gusto daw muna niyang maglingkod muna sa mga kababayang Pinoy lalo na sa mga Ilonggo. Napag-alaman na kabuuang 43,086 ang kumuha ng LET noong October 4 sa 23 testing centers sa boung bansa kung saan at 18,863 ang nakapasa. |
0 comments:
Post a Comment